‘Spice Girls’ posibleng kumanta sa Prince Harry-Meghan Markle wedding reception

By Jay Dones February 28, 2018 - 03:29 AM

 

Naibunyag ng isa sa mga dating miyembro ng all girl group na ‘Spice Girls’ ang posibilidad na sila’y mag-perform sa wedding reception nina Prince Harry at artistang si Meghan Markle sa Mayo.

Sa pagharap ni ‘Mel B’ sa programang ‘The Real’ naisiwalat nito ang impormasyon na lahat ng limang miyembro ng kanilang grupo ay naimbitahan sa ‘royal wedding’.

Dahil dito, inungkat ng mga host ng programa ang mang-aawit kung sila ay kakanta sa reception pagkatapos ng kasal nina Harry at Meghan.

Dito na napailing si Mel B at inihagis ang kanyang cue cards sa ere at sinabing posible siyang ‘masibak’ sa trabaho dahil sa kanyang naisiwalat.

Sina Prince Harry at Meghan Markle ay nakatakdang ikasal sa St. George’s Chapel sa Windsor sa May 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.