WATCH: Bahay ni ex-PNoy sa Times Street, pinagbabato ng putik

By Justinne Punsalang February 27, 2018 - 12:31 PM

Kuha ni Justinne Punsalang

Lumusob sa Times Street sa Quezon City ang mga nagpakilalang biktima ng Super Typhoon Yolanda,

Pinagbabato ng mga miyembro ng grupong People Surge ng putik ang bahay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ang mga nagprotesta, naglagay din ng putik sa kanilang mukha at katawan.

Bahagi anila ang protesta ng pagpapaalala kay Aquino ng trahedyang sinapit ng marami at kumitil sa buhay ng mahigit 6,000 katao noong 2013.

Ayon kay Marissa Cabaljao, tagapagsalita ng grupo, 4 na taon na ang nakalilipas mula ng manalasa ang bagyong Yolanda pero hindi pa rin kumpleto ang relokasyon at pabahay sa mga survivor.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: benigno aquino iii, People Surge, times street, yolanda, benigno aquino iii, People Surge, times street, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.