3 katao arestado sa magkahiwalay na buy bust sa Valenzuela City

By Justinne Punsalang February 27, 2018 - 01:23 AM

Timbog ang isang lalaki matapos magkasa ng isang buy bust operation ang mga elemento ng Valenzuela City Police – Station Drug Enforcement Unit sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Jowell Perola alyas Joey, 42 taong gulang at residente sa nasabing lugar.

Limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad mula kay Perola.

Ayon sa mga otoridad, matapos nilang magsagawa ng inventory ay nilapitan naman sila ng isang babae na inirereklamo naman ng panghihipo ang supek.

Mahaharap si Perola sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ang reklamong panghihipo laban sa suspek.

Samantala, sa isa pang ikinasang buy bust operation ng VCP-SDEU ay naaresto naman sina Christopher Kenneth Escalante, 40 taong gulang, at Joemarie Lazo, 37 taong gulang na kapwa residente ng General T. De Leon.

Anim na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga otoridad mula sa dalawa.

Paglabag din sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin nina Escalante at Lazo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.