Black Panther, kumita na ng $108-M sa takilya

By Rhommel Balasbas February 26, 2018 - 12:44 AM

 

Patuloy ang pamamayagpag sa takilya ng Disney-Marvel movie na ‘Black Panther’.

Ito ay matapos kumita ang naturang pelikula ng $108 million sa 4,020 sinehan sa North America sa ikalawang weekend pa lamang nito.

Umabot naman na sa $400 million ang domestic sales ng Black Panther habang $304 million naman ang kita nito sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang pelikulang ito na pinagbibidahan ni Chadwick Boseman ay isang superhero film na ika-18 sa Marvel Cinematic Universe at isinagawa sa ilalim ng direksyon ni Ryan Coogler.

Ito na ang may ikalawang highest second weekend record na nasa sumunod lamang sa ‘Star Wars: The Force Awakens’ na may $149 milion noong 2015.

Ang Black Panther din ang ikalawang Marvel film na nakasungkit ng A+ sa Cinemascore.

69 percent ng movie goers ang nag-rate sa naturang pelikula bilang ‘excellent’ at 23 naman ang nag-rate na ‘very good’ batay sa audience scores na inilabas ng ComScore.

Bukod kay Boseman ay tampok din sa pelikula sina Michael B. Jordan, Lupita Nyong’o, Danai Gurira, Martin Freeman, Daniel Kaluuya at Letitia Wright.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.