Pyeongchang Winter Olympics, opisyal nang nagtapos

By Jay Dones February 26, 2018 - 12:50 AM SHARE(S):

 

Opisyal nang nagsara ang 2008 Winter Olympic Games na ginanap sa Pyeongchang, South Korea.

Pinangunahan ni South Korean President Moon Jae-in ang closing ceremonies sa tinaguriang ‘peace games’ kung saan naging tampok ang magagandang sayawan, kantahan at fireworks display sa seremonya.

Dinaluhan ang okasyon ng hindi bababa sa 35,000 manonood kabilang na ang ilang personalidad tulad nina US Presidential daughter Ivanka Trump.

Naging tampok rin sa seremonya ang muling pagmamartsa ng mga atleta mula sa North at South Korea nang sama-sama na bihirang maganap sa gitna ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni President Moon na bagamat nagtapos na ang winter games, magpapatuloy ang selebrasyon ng kapayapaan hanggang sa 2020 Tokyo Olympic Winter Games at 2022 Olympic Winter Games na isasagawa naman sa Beijing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.