4 patay sa bakbakan ng MNLF at MILF sa North Cotabato

By Jay Dones February 26, 2018 - 12:04 AM

 

Apat katao na ang napaulat na nasawi sa bakbakan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Matalam, North Cotabato.

Ayon sa Matalam Municipal Police, nagpang-abot ang magkalabang grupo sa Barangay Kidama at Barangay Marbel nitong nakalipas na Sabado ng gabi na tumagal hanggang Linggo ng umaga.

Ang mga tauhan umano nina MNLF Commander Manial at MILF Commander Manzor ang sangkot sa naturang bakbakan.

Rido o clan war ang itinuturong dahilan ng bakbakan ng dalawang kampo.

Dahil dito, napilitang lumikas na ang daan-daang mga residente ng Barangay Marbel sa pangambang maipit sa away ng dalawang grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.