Isa katao, sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa Laguna

By Angellic Jordan February 25, 2018 - 02:30 PM

CREDIT: KIMMY BARAOIDAN/INQUIRER SOUTHERN LUZON

Isinugod sa ospital ang isa katao matapos magkarambola ang ilang sasakyan sa Alaminos, Laguna, Linggo ng hapon.

Sa panayan ng Inquirer, sinabi ni Alaminos police chief Sr. Inspector Jan Albert Rongavilla na nangyari ang aksidente sa bahagi ng national highway sa Barangay 2.

Batay aniya sa inisyal na imbestigasyon, tumama ang isang trailer truck sa bus matapos pumalya ang brake nito.

Bunsod nito, nadamay ang tatlong sasakyan.

Sa ngayon, inaalam pa ang bilang ng mga pasahero na nagtamo ng minor injuries bunsod ng aksidente.

Patuloy naman ang isinasagawang clearing operations ng mga otoridad sa lugar.

TAGS: Alaminos Laguna, Barangay 2, Sr. Inspector Jan Albert Rongavilla, trak, Alaminos Laguna, Barangay 2, Sr. Inspector Jan Albert Rongavilla, trak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.