Lady Tamaraws tinalo ang Lady Warriors

By Justinne Punsalang February 25, 2018 - 04:37 AM

Pinanatili ng Far Eastern University Lady Tamaraws na walang panalo ang University of the East Lady Warriors sa kanilang naging laban para sa UAAP Season 80 Women’s Volleyball Tournament.

Sa iskor na 25-20, 25-17, 24-26, at 25-22 umangat ang win-loss record ng FEU sa 3-2 habang 0-6 pa rin ang UE.

Pinangunahan ang Lady Tams ng kanilang team aptain na si Bernadeth Pons na nakapagtala ng 21 points at sinundan naman ni Celine Domingo na nakapagbigay ng 19 point, 6 blocks, at 2 aces.

Nakatulong rin sa sure-win ng FEU sina Toni Rose Basas at Heather Guino-o na kapwa nakapagtala ng tig-12 puntos.

63-42 ang attack points ng FEU kung ikukumpara sa UE, habang 12-5 naman ang kanilang blocking.

Para naman sa Lady Warriors, si Mary Anne Mendrez ang nanguna matapos nitong magbigay ng 21 points na siyang sinundan ni Shaya Adorador na nakapagbigay naman ng18 point.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.