Kilalang vlogger gumaling sa cancer dahil sa marijuana

By Angellic Jordan February 24, 2018 - 02:24 PM

Inamin ng kilalang video blogger na si Wil Dasovich na malaking tulong sa kaniyang paggaling mula sa sakit na colon cancer ang medical marijuana.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Wil kung paano naging parte ng kaniyang gamutan ang marijuana.

Kwento ng vlogger, inirekomenda ng mga doktor ang paggamit ng marijuana maliban sa pagsailalim sa chemotherapy.

Nakatulong aniya ang marijuana sa kaniyang pagkain dahil kapag dumadaan aniya sa chemotheraphy ay mawawalan ng gana ang pasyenteng kumain dahil hindi nagiging masarap ang lahat ng pagkain.

Dahil dito, maituturing aniya bilang isang miracle drug ang marijuana para sa mga katulad niyang cancer patient.

Matatandaang noong Agosto ng nakaraang taon unang na-diagnose si Wil ng naturang sakit.

TAGS: cancer, medical marijuna, wil dasovich, cancer, medical marijuna, wil dasovich

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.