Panukalang pagbuhay sa death penalty posibleng maipasa sa senado sa susunod na taon

By Rohanisa Abbas February 23, 2018 - 12:54 PM

Posibleng maipasa ang panukalang pagbuhay sa death penalty sa Senado bago ang eleksyon sa susunod na taon, ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III.

Sinabi ni Sotto na maaaring lumabo ang tsansang maisabatas ito kapag hindi pa ito naipasa sa pagdating ng midterm elections.

Sinabi ng senador na sa tingin niya ay hindi pabor sa panukala ang 12 senador na maiiwan sa Senado.

Gayunman, may tsansa pa rin naman ito kung sakali aniya na papabor ang mga bagong senador na uupo matapos ang eleksyon.

Ayon kay Sotto, karamihan sa mga senador ay pabor sa pagbabalik sa parusang kamatayan kung ito ay para lamang sa drug lords.

Inihalimbawa ni Sotto ang mga nakulong dahil sa high level drug trafficking pero nago-operate pa rin sa bilangguan.

Nakatakdang talakayin muli ng Senate subcommitte on Justice and Human Rights ang usapin.

Kabilang ang death penalty bill sa priority bills na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Death Penalty, Radyo Inquirer, senate, Death Penalty, Radyo Inquirer, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.