Bus nahulog sa bukid sa La Union, 28 ang sugatan

By Rohanisa Abbas February 23, 2018 - 10:27 AM

Sugatan ang 28 pasahero matapos mahulog sa bukid ang sinasakyang bus sa Naguilian, La Union.

Nanggaling ang bus sa Baguio City na tutungo sa Abra nang mawalan ng preno sa kahabaan ng Naguilian-Baguio road sa Barangay Bato.

Dumiretso ang bus at nahulog sa bukid mula sa kalsada sa lalim na anim na talampakan.

Sa isang panayam, sinabi ni Chief Inspector Cirilo Butigan Jr., hepe ng Naguilian Police Station, nakalabas na sa ospital ang 28 sugatang pasahero.

Ayon kay Butigan, pinalaya na rin ang driver ng bus dahil walang naghain ng reklamo laban sa kanya.

 

 

 

 

 

TAGS: accident, bus, naguilian la union, Radyo Inquirer, accident, bus, naguilian la union, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.