Ilang lugar sa Pasay, Caloocan at Navotas, mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo February 23, 2018 - 08:52 AM

Maapektuhan ng water service interruption ang ilang lugar sa Pasay City, Caloocan City at Navotas City mula Biyernes (Feb. 23) ng gabi hanggang Sabado (Feb. 24) ng umaga.

Sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., sa Pasay City, magkakaroong ng water interruption mula alas 11:00 ng gabi ng Biyernes hanggang alas 4:00 ng umaga ng Sabado.

Apektado ng interruption ang Mall of Asia (MOA).

Sa Caloocan naman, mula alas 11:00 ng gabi ng Biyernes hanggang alas 3:00 ng umaga ng Sabado ang interruption at apektado ang Barangays 92, 96, 97, 98 at 100.

Simula naman alas 10:30 ng gabi hanggang alas 3:30 ng Sabado ang interruption sa Navotas at ang apektado ay ang Barangay Northbay Boulevard.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng kailangang tubig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, navotas, Pasay, Radyo Inquirer, caloocan, navotas, Pasay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.