WATCH: 3 sugatan sa pagtagilid ng closed van sa Boni Serrano Ave. tunnel

By Mark Makalalad February 23, 2018 - 07:17 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Nagdulot ng abala sa mga motorista ang delivery closed van na tumagilid sa southbound lane ng Boni Serrano Avenue Tunnel pasado alas-11:00 ng gabi ng Huwebes.

Ayon sa mga rumespondeng tauhan ng MMDA, binabagtas ng closed van ang daan papuntang Eastwood ng bigla itong mawalan ng balanse at tumagilid.

Nasugatan ang driver ng closed van at kasama nitong pahinante.

Nasugatan din ang isang motorcycle rider matapos madulas ang motor na minamaneho dahil sa mga langis na tumgas mula sa tumagilid na closed van.

Samantala, nagkaroon din ng karambola ng 3 sasakyan sa kaparehong lugar.

Dahil sa aksidente, pansamantalang isinara ang southbound lane ng Boni Serrano Avenue tunnel sa mga motorista ng isang oras.

Para naman matiyak na wala ng ibang madadamay, agad na binombahan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang kalsada at tinakpan ng kusot.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Boni Serrano Avenue, closed van, tunnel, accident, Boni Serrano Avenue, closed van, tunnel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.