Rappler hindi lehitimong news agency-Duterte

By Chona Yu February 23, 2018 - 12:35 AM

 

Hindi legitimate news agency ang Rappler.

Ito ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya pinagbawalan nang makapasok sa Malacañang complex ang kanilang reporter na si Pia Ranada.

Sa ambush interview sa Sara, Iloilo sinabi ng pangulo ipinatutupad lamang niya ang kanyang executive actions base sa naunang desisyon ng Securities and Exchange Commission na nagkakansela sa kanilang registration dahil sa pag-aari ng dayuhan ang naturang kompanya.

Gayunman, sinabi ng pangulo na nakahanda naman niyang papasuking muli si Ranada sa Malacañang kung mapatutunayang lehitimo na ang kanilang news agency.

Hinala ng pangulo maaring ang Central Intelligence Agency o CIA sa Amerika ang nagpopondo sa Rappler.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.