Lalaking gumagamit umano ng iligal na droga, patay sa pamamaril sa Tondo, Manila

By Mark Makalalad February 22, 2018 - 07:57 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilanlang mga salarin sa Wagas corner Zaragosa St, Tondo, Manila.

Nakahandusay pa sa loob ng pedicab ang biktima na nakilalang si Johnroy Aguilar nang madatnan ng mga otoridad na nililigo sa sarili nitong dugo.

Ayon sa ilang residente, nakarinig na lamang sila ng limang magkakasunod na putok ng baril pasado alas-11:00 ng gabi.

Nangaling sa Zaragosa ang biktima at naglalakad sa Wagas St. nang may dumating na mga lalaking nakasakay sa motorsiklo at pinaputukan sya.

Samantala, kinumpirma naman ng dating kinakasama ng biktima na gumagamit ang biktima ng iligal ng droga. Gayunman, kanyang itinanggi ang akusasyon na nagbabenta ito ng shabu.

Nakuha mula sa crime scene ang pitong basyo ng bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng nga pulis sa krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush incident, Metro Manila, Radyo Inquirer, Tondo Manila, ambush incident, Metro Manila, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.