Konsehal sa Maguindanao patay sa pamamaril

By Kabie Aenlle February 22, 2018 - 02:38 AM SHARE(S):

 

Patay ang isang konsehal sa Maguindanao matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Nadala pa sa ospital si Councilor Sahabudin Namli matapos ang pananambang sa kaniya, ngunit sa kasamaang palad ay nasawi din ito dahil sa dami ng tama ng bala na kaniyang natamo.

Nangyari ang insidente sa bahagi ng Barangay Madia sa Maguindanao Highway, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay PO1 Samsudin Nano, naglalakad patungo sa highway si Namli mula sa kanilang tahanan, nang bigla siyang malapitang barilin ng dalawang lalaking nakatakip ang mukha.

Armado ang mga suspek ng cal. 45 na pistol at M16 rifle.

Lumalabas aniya sa imbestigasyon na inabangan ng mga suspek ang konsehal na makarating sa highway at saka nila ito pinagbabaril.

Agad namang tumakas ang mga suspek na lumalabas na miyembro ng isang grupong pinamumunuan ng isang Commander Haon.

Ayon kay Nano, hindi malinaw kung anong grupo ang pinamununuan ni Haon, pero si Namli kasi ay isang kaanak ni Ustadz Wahid Tundok na commander ng 118th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.