P12 per kilometer hirit ng Uber; Grab P11 naman ang hiling

By Jay Dones February 22, 2018 - 03:34 AM

Kapwa may kanya-kanya nang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Transport Network Vehicle Service na Uber at Grab.

Sa kanilang petisyon na idinaan sa paunang hearing sa LTFRB kahapon, nais ng Uber na gawing P12 mula sa dating P5 ang singil sa bawat kilometro na itatakbo ng kanilang mga sasakyan.

Paliwanag ng Uber, malaki na ang itinaas ng presyo ng gasolina sa nakaraang mga linggo bunga ng pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Lalo pa itong tumaas nang simulang ipairal ang Tax Reform Law o TRAIN Law sa pagpasok ng taong 2018.

Nauna rito, naghain na rin ng kanilang petisyon ang kumpanyang Grab na humihiling na maging P11 hanggang P15 ang kanilang singil bawat kilometro.

Ayon sa LTFRB, kanilang pinag-iisipan na pagsabayin na lamang ang pagdinig sa petisyon ng dalawang TNVS.

Sa pamamagitan nito, maaring makabuo ng iisang fare structure ang ahensya para sa dalawang petisyon ng Grab at Uber at iba pang TNVS operators.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.