P64,000 halaga ng ‘hot lumber’ nasabat sa Quezon

By Kabie Aenlle February 22, 2018 - 12:31 AM

 

Nasabat ng mga pulis at forest rangers ang 1,058 board feet ng hot lumber, o kahoy na iligal na pinutol, sa bayan ng Infanta sa Quezon.

Ayon kay Quezon police director Senior Supt. Rhoderick Armamento, nagsanib pwersa ang mga tauhan ng anti-illegal logging task force ng pulisya at mga forest rangers ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa isinagawang operasyon sa Barangay Pulo.

Dito nila narekober ang 93 piraso ng hardwood lumber na “lawaan” o Philippine Mahogany, at 135 piraso ng “malaanunang” o white lauan na inabandonda sa naturang lugar.

Pinaniniwalaang nagmula sa Sierra Madre ang mga nakumpiskang produkto mula sa gubat, na tinatayang aabot sa P68,267 ang halaga sa underground market.

Bigo namang mahuli o matukoy man lang ng mga otoridad ang mga illegal loggers dahil wala silang inabutan sa lugar kung saan nila ikinasa ang operasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.