Rep. Floirendo, nag-piyansa sa kasong graft na isinampa ni HS Alvarez

By Jay Dones February 22, 2018 - 02:36 AM SHARE(S):

 

Inquirer file photo

Bago pa man maipatupad ang arrest order ng Sandiganbayan sa kasong graft, naghain na ng pyansa si Davao Del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr.

Personal na nagtungo si Floirendo sa sala ni Davao Regional Trial Court Judge Emmanuel Carpio kahapon upang ibigay ang P30,000 bilang bail money para sa kanyang kalayaan.

Nauna rito, naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban kay Floirendo dahil sa kasong isinampa ng dating matalik nitong kaibigan na si House Speaker Pantaleon Alvarez.

May kaugnayan ang kaso sa diumano’y pakikinabang ng huli sa pagrenta ng nasa 5,000 ektarya ng lupain ng Bureau of Corrections sa Tagum Development Corporation o Tadeco na pag-aari ni Floirendo.

Gayunman, mariing itinatanggi ni Floirendo ang akusasyon sa pagsasabing hindi siya ang board member ng Tadeco noong panahong nirerentahan ng kumpanya ang naturang lupain ng Bucor.

Naninindigan rin si Floirendo na handa itong harapin ang kasong isinampa ni Alvarez laban sa kanya.

Naniniwala rin ang mambabatas na ginagamit lamang ni Alvarez ang kanyang puwesto at impluwensya upang isulong ang kaso laban sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.