Pangulong Duterte, mistulang ‘tinraydor’ ng Rappler reporter na itinuring nitong ‘apo’-Roque

By Kabie Aenlle February 22, 2018 - 01:02 AM

 

Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte dahil pakiramdam niya ay tinraydor siya ng reporter ng Rappler na si Pia Rañada na ayon sa kaniya, ay itinuring na niyang parang sarili niyang apo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, si Pangulong Duterte mismo ang naglabas ng kautusan na huwag papasukin si Rañada sa Malacañang.

Dagdag ni Roque, alam ng marami sa Malacañang Press Corps na itinuring ng pangulo na parang apo si Rañada.

Pero ayon sa tagapagsalita, wala nang dahilan para manatili si Rañada sa Malacañang kung puro fake news naman ang ibabalita nito.

“Trinaydor siya ni Pia, dahil alam naman ng marami sa Malacañang Press Corps, itinuring niya na parang apo ni presidente. Pero para pagpilitan ang fake news, wala nang dahilan para siya’y manatili sa Malacañang kung puro fake news naman ang kanyang ibabalita,” ani Roque.

Sa isang panayam ay nabanggit din ni Roque na na-bwisit ang pangulo kay Rañada kaya hindi na ito makakalapit sa Palasyo.

Paglilinaw pa ni Roque, maari pa rin namang mamahayag si Rañada at magsulat ng kung ano man ang kaniyang naisin kahit pa fake news, pero hindi na siya maaring mag-cover sa Malacañang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.