Palasyo dapat ihinto ang harassment sa media ayon sa ilang LP senators

By Ruel Perez February 22, 2018 - 12:26 AM SHARE(S):

 

Dapat umanong matuto ang Palasyo na irespeto ang kalayaan ng mga hindi sumasang-ayon sa mga polisiya na ipinatutupad ng Duterte administration.

Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, dapat iwasan ng Palasyo ang pangha-harass sa mga mamamahayag na sa tingin ng administrasyon ay bumabatikos sa administrasyon.

Paliwanag ni Pangilinan, dapat na hayaan ang media na gawin ang kanilang trabaho ng walang anumang pressure lalo na at napakahalaga umano ang malayang pamamahayag para labanan ang pagkalat ng maling balita at fake news.

Giit ni Pangilinan, isa umanong pagpigil sa kalayaan ng pamamahayag ang nangyayari ngayon na dati nang nangyari nuong panahon ng Martial Law.

Samantala, ayon naman kay Senador Bam Aquino, dapat nang ihinto ang pananakot sa mga hindi sumasang-ayon sa administrasyon.

Hirit naman ni dating kongresista Erin TaƱada, vice president for external affairs ng Liberal Party, dapat ay sama-samang kundinahin ng mga mamamahayag at mga advocates ng press freedom itong ginagawa ng MalacaƱang na malinaw na may chilling effect sa mga kritiko ng administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.