Rappler miyembro pa rin ng MPC

By Chona Yu February 22, 2018 - 12:01 AM

Nanindigan ang Malacañang Press Corps na mananatiling miyembro ng organisasyon ang Rappler.

Ayon kay Raymund Tinaza, presidente ng MPC, ito ay hangga’t walang inilababas na desisyon ang Court of Appeals kaugnay sa naunang pagpapasya ng Securities and Exchange Commission na nagkakansela ng kanilang registration dahil sa pag-aari ng dayuhan ang naturang kompanya.

Nakasaad sa Konstitusyon na hindi maaring magkaroon ng full ownership sa isang kompanya ang mga dayuhan.

Ayon kay Tinaza, bilang isang independent organization ng mga mamamahayag, may kapangyarihan ang MPC na magpasya na tumanggap, magsuspinde o mag-revoke ng mga miyembro nito.

Gayunman, sinabi ni Tinaza na ang Malacañang pa rin ang may huling pagpapasya kung anong media entity ang papayagang makapag-cover sa mga presidential events.

Pero bagama’t ang Malacañang ang may huling pasya, iginiit ni Tinaza na mariing tinutulan ng MPC na pagbawalan ng Palasyo ang isang mamamahayag na magampanan ang tungkulin nito bilang ‘ikaapat na estado’ at tagapagbantay ng interes ng publiko.

Sa huli, hinimok ni Tinaza ang Malacañang na maayos na makipag-ugnayan sa MPC para ilatag ang mga restriction sa pagku-cover sa pangulo ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.