Barangay kagawad patay matapos manlaban sa buy-bust operation sa Bulacan

By Justinne Punsalang February 21, 2018 - 06:54 AM

Photo: Malolos City Police

Nauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation ng Malolos City Police Station sa Barangay Mabolo sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Henry Biñas alyas Kosa na isa palang aktibong barangay kagawad.

Ayon sa mga otoridad, matapos ibenta ni Biñas ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa kanilang poseur buyer ay natunugan nito na pulis pala ang kaniyang katransaksyon.

Dahil dito, agad bumunot ng kalibre 38 baril ang suspek at saka pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

By:

TAGS: Bulacan, buy bust operation, Malolos City, War on drugs, Bulacan, buy bust operation, Malolos City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.