3 teenager patay sa aksidente sa Bukidnon

By Dona Dominguez-Cargullo February 20, 2018 - 09:12 AM

Manolo Fortich, Bukidnon

Patay ang tatlong lalaking sakay ng isang motorsiklo makaraang mabangga sila ng isang van sa Manolo Fortich, Bukidnon.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Jumel Colao, 18-anyos, kapatid niyang si Juceryl, 19-anyos at kanilang kaibigan na si Jerry Alay, 15-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake umano ang van sa bus na nasa kaniyang harapan kaya nabangga nito ang kasalubong na tricycle at motorsiklo.

Ligtas ang mga sakay ng tricycle pero napuruhan ang tatlong biktima na sakay ng motorsiklo.

Ayon kay ginang Milli Colao, ina ng magkapatid na biktimam papauwi ang tatlo sa bahay dahil sinundo ni Jumel si Juceryl sa trabaho.

Kusa namang sumuko ang driver ng van at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, bukidnon, Manolo Fortich, Radyo Inquirer, accident, bukidnon, Manolo Fortich, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.