2 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Taguig City

By Justinne Punsalang February 20, 2018 - 07:59 AM

Dalawang tulak ng droga ang arestado sa dalawang magkahiwalay na buy bust operation sa lungsod ng Taguig.

Unang naaresto si Jocelyn Madriaga, 48 taong gulang.

Nasabat mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,500.

Depensa ni Madriaga na dala ng kahirapan kaya siya nagtutulak ng droga.

Sumunod namang naaresto si Ariel Esguerra, 42 taong gulang.

Bukod sa anim na sachet ng shabu na mayroong street value na ₱3,500 ay nakumpiska rin ng mga otoridad ang mga drug paraphernalia maging isang digital weighing scale.

Samantala, iginiit ni Esguerra na hinsi siya pusher. Aniya, mayroon lamang nagpabili sa kanya ng shabu.

Kapwa mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust, drugs, Taguig City, War on drugs, buy bust, drugs, Taguig City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.