Dalawang suspek sa pagnanakaw ng construction tools arestado sa Maynila

By Justinne Punsalang February 20, 2018 - 06:59 AM

Photo from MPD Station 1

Hindi na itinanggi pa ng isang lalaki ang pagnanakaw nang ito ay maaresto ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) Station 1 sa Raxabago, Tondo. Habang todo tanggi naman ang isa pang lalaki na sinasabing kasama nito sa krimen.

Kinilala ang mga suspek na sina Fauhlle Johnne Barnachia, 18 taong gulang; at Anthony Fajelagot, 37 taong gulang na kapwa residente ng Tondo, Maynila.

Ayon kay PCI Romeo Estabillo ng MPD Station 1, February 14 pa nang nakawin ni Barnachia ang mga construction tools mula sa isang pickup na nakaparada sa Barangay 120, Balut, Tondo. Ngunit naaresto lamang ang mga suspek ng February 19 matapos idulog ng biktima ang kuha ng CCTV sa Barangay 130 at 128 kung saan nakilala ang mga suspek.

Huli sa CCTV ang pagsisilid ni Barnachia sa mga construction tools mula sa likod ng pick up papunta sa kanyang dala na mga sako. Nang malimas ang laman nito ay agad na tumakas ang suspek.

Aminado si Barnachia sa ginawang krimen. Ngunit aniya, kailangan niya ng pera kaya niya nagawang magnakaw.

Depensa naman ni Fajelagot, nadamay lang siya sa krimen dahil iniwan sa kanya ni Barnachia ang mga construction tools. Aniya, hindi niya alam na galing pa sa nakaw ang mga ito.

Pero ayon naman kay Barnachia, alam ni Fajelagot na nakaw ang mga gamit.

Kapwa mahaharap si Barnachia at Fajelagot sa kasong theft at kasalukuyan silang nakaditine sa MPD PCP 1.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: construction tools, MPD Station 1, theft, Tondo Manila, construction tools, MPD Station 1, theft, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.