17 patay sa ‘garbage-slide’ sa Mozambique

By Jay Dones February 20, 2018 - 02:08 AM

 

Hindi bababa sa 17 katao ang nasawi makaraang matabunan ng gabundok na basura ang kanilang mga tirahan sa kapitolyo ng bansang Mozambique.

Naganap ang ‘garbage-slide’ sa lugar ng Hulene dumpsite sa Maputo na tirahan ng libu-libong residenteng mahihirap.

Sa inisyal na imbestigasyon, ilang oras na nakaranas ng malakas na pag-ulan sa lugar na nagresulta upang biglang gumuho ang bahagi ng 15-metrong taas ng basura sa mga shanty dakong alas tres ng madaling-araw, oras sa Mozambique.

Dahil madaling-araw naganap ang trahedya, marami sa mga biktima ang natabunan habang natutulog.

Dahil sa pangambang may ilan pang natabunan ng tone-toneladang basura, nagpasya ang mga otoridad na ipagpatuloy ang search and rescue operations sa lugar ng pagguho.

Napag-alamang makailang ulit nang sinikap ng mga otoridad na paalisin ang mga squatter sa dumpsite ngunit bigo ang mga ito.

Ayon sa United Nations Development Programme, nasa 55 porsiyento o katumbas ng 14 na milyong populasyon ng Mozambique ang namumuhay sa matinding kahirapan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.