Resulta BIR probe sa ITR ni CJ Sereno isinubpoena ng House Justice Committee

By Erwin Aguilon February 20, 2018 - 01:30 AM

 

Nagpalabas ng subpoena ang House justice committee kaugnay sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue sa income tax returns ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay matapos na tumanggi si BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa na ilahad sa komite ang resulta ng kanilang naturang imbestigasyon.

Ayon kasi kay Guballa, kailangan muna nilang makakuha ng approval mula sa Office of the President bago nila gawin ang hiling na ito ng komite.

Ang pinayagan lamang daw kasi ng OP na maari nilang gawin ay ang silipin ang mga ITRs at hindi ang paglalahad ng resulta ng kanilang imbestigasyon ukol dito.

Nauna nang inatasan ng Justice Committee ang BIR na silipin ang mga ITR ni Sereno, partikular na ang sa kinita ng punong mahistrado sa pagkakapanalo ng Piatco case.

Gayunman, naniniwala si ABS Party-list Rep. Eugene De Vera na papayagan din ng punong ehikutibo ang letter of request ng BIR sa paglalahad ng resulta ng kanilang naging imbestigasyon sa ITRs ni Sereno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.