Inquirer, naglabas ng pahayag sa akusasyon ng ‘fake news’ ni Bong Go

By Inquirer, Kabie Aenlle February 20, 2018 - 01:22 AM

 

Matapos bansagan ni Special Asst. to the President Bong Go sa Senado na “fake news” ang mga ulat ng Inquirer tungkol sa kasunduan sa pagbili ng Philippine Navy ng dalawang frigates, naglabas na ng pahayag ang pahayagan.

Bilang paghahana para sa mga nasabing ulat, dumepende ang Inquirer sa mga dokumentong nakuha nila mula sa mga relibale sources na pinatunayan ng mga opisyal ng militar na may kinalaman sa naturang transaksyon.

Pagkatapos ilabas ang ulat, hiningi din ng Inquirer ng panig nina Go at Defense Sec. Delfin Lorenzana na sinundan ng paglalathala ng kanilang mga pahayag.

Ang headlines pa ng kanilang mga ulat tungkol sa magkahiwalay na pahayag ng dalawa ay – “Duterte top aide says he did not intervene in choice of Navy supplier P15.7 billion warship programs” at “DND clears top DU30 aide in warship deal.”

Isa itong patunay na naging patas at balanse ang Inquirer sa pag-presenta ng panig ng lahat ng mga partidong may kinalaman sa isyu.

Naninindigan ang Inquirer sa pagsunod sa “principles of fairness and accuracy” sa paglalabas ng mga balita.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.