Duterte sa pagbibigay ng Chinese names sa Benham rise: ‘Alangan namang German’

By Jay Dones February 20, 2018 - 02:52 AM

 

Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapangalan ng China sa ilang mga undersea features sa Benham Rise o Philippine Rise.

Giit ng pangulo, hindi dapat mabahala ang mga Pinoy kung binigyan man ng mga Chinese names ng China ang ilang lugar sa naturang bahagi ng karagatan.

Ipinaliwanag ng pangulo na natural lamang na bigyan ng pangalan ng China na angkop sa kanilang salita o lenggwahe ang ilang lugar na kanilang napupuntahan.

Iginiit nito na hindi naman ibig sabihin na naangkin na ng China ang Philippine Rise sa pamamagitan lamang ng pagpapangalan sa mga ito.

Malinaw aniya sa lahat ng panig at sa mga Pinoy na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise.

“Pumunta ang China, naglagay ng markers, tapos Chinese characters, alang-alang gawin nilang German, ang alam nila Chinese e,” pahayag ng pangulo.

“Those are just directions na tapos na sila diyan, of course they do it in Chinese, it is their dialect. Alangan i-Tagalog mo iyan. Paliwanag pa ni Duterte.

Samantala, idinagdag pa ng pangulo na sa ngayon, nag-aalok ang China ng joint exploration upang maghanap ng langis sa South China Sea.

Sa ngayon aniya, ay nagkakaroon na ng negosasyon para sa naturang proyekto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.