Duterte sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea: “Atin yan”

By Jay Dones February 20, 2018 - 01:00 AM

 

Atin yan.

Ito ang binitiwang kataga ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa mga isla at bahura sa South China Sea sa harap ng mga bisita sa 10th Biennial National Convention and 20th Founding Anniversary Celebration of the Chinese Filipino Business Club, Inc. (CFBCI) sa Manila Hotel kung saan ito ang nagsilbing panauhing pandangal.

Bisita sa okasyon ang ilang mga negosyanteng Chinese at si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Sa talumpati ng pangulo, iginiit nitong muli na handa siyang itaya ang kanyang pag-presidente at ang kanyang buhay upang patunayan na saklaw ng teritoryo ng Pilipinas ang mga pinag-aagawang teritoryo sa naturang rehiyon.

Gayunman, nilinaw ng pangulo na mananatili ang Pilipinas sa paghahanap ng diplomatikong paraan upang igiit sa China ang ating ‘claim’.

Wala aniyang saysay at hindi makatotohanan kung ipipilit ng Pilipinas na idaan sa marahas na paraan ang isyu sa South China Sea.

Ito aniya ay dahil lubhang malakas ang China at hindi aniya mananalo dito ang Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.