Abogado ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa patay sa ambush

By Den Macaranas February 19, 2018 - 02:40 PM SHARE(S):
Photo: Cebu Daily News

Namatay makaraang tambangan ang abogado ng self-confessed drug dristributor na si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr. sa Cebu City kaninang umaga.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan at ulo ay kinilalang si Atty. Jonnah John Ungab na siya ring kasalukuyang Vice Mayor sa bayan ng Ronda sa lalawigan ng Cebu.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang sasakyan ng biktima pasado alas-onse ng umaga kanina sa kahabaan ng Sergio Osmeña Street, North Reclamation Area sa Cebu City.

Kasama ni Ungab ang kanyang misis na si Pearl na hindi naman tinamaan ng bala.

Umabot pa sa ospital ang biktima subalit pasado alas-dos ng hapon kanina ay namatay rin ang biktima.

Bago ang pananambang ay nagkita pa sina Espinosa at Ungab sa lokal na hukuman sa Qinamda IT center kung saan ay napawalang-bisa ang suspected drug lord sa kasong illegal possession of firearms na isinampa laban sa kanya noong 2010.

Si Ungab ang ikalawang abogado ni Espinosa na tinambangan.

Noong August 23, 2016 ay inambush rin ng hindi pa nakikilalang mga suspek si Atty. Rogelio Bato Jr. na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

TAGS: ambush, espinosa, ronda cebu, ungab, ambush, espinosa, ronda cebu, ungab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.