Lalaking nanaksak sa Mall of America, makukulong ng 15 taon

By Justinne Punsalang February 18, 2018 - 06:38 AM

AP Photo

Guilty plead ang ihinain ng isang lalaki matapos nitong saksakin ang dalawang magkapatid sa Mall of America.

Kaya naman 15 taong pagkakakulong ang haharapin ni Mahad Abdirahman.

Ayon kay Abdirahman, na-inspire siya ng Islamic State kaya naman nagtungo siya sa nasabing mall dahil sa ‘tawag’ o calling ng Jihad. Aniya pa, naniniwala siyang nasa giyera ang Estados Unidos sa mga Islam.

Inatake ni Abdirahman ang magkapatid na sina Alexander at John Sanchez habang ang mga ito ay namimili sa mall. Kapwa maayos naman ang lagay ng magkapatid matapos magtamo ng serious injuries.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.