Robin Padilla at Aljur Abrenica nagkaharap na

By Justinne Punsalang February 18, 2018 - 06:09 AM SHARE(S):

Nagkita sa isang family dinner sina Robin Padilla at live in partner ng kanyang anak na si Kylie na si Aljur Abrenica.

Nagkaroon pa nga ng selfie si Kylie kasama ang ama at partner.

Habang sa Instagram Stories naman ni Kylie ay mapapanood na tinitingnan ni Robin ang kanyang apo na siyang karga naman ni Aljur.

Ang pagkikita ni Robin at Aljur ay tila isang malaking hakbang para magkalapit ang dalawa at mawala ang lamat sa pagitan nila. Matatandaang hindi maganda ang relasyon ng dalawang aktor dahil nais ni Robin na maikasal na si Kylie kay Aljur.

Ngunit inamin naman na Kylie na kaya hindi pa sila makapagpakasal ni Aljur ay dahil mayroon pa silang mga inaasikaso.

Sa mga post ni Kylie, makikita ang kanyang saya sa family dinner at ginamit pa nga nito ang hashtag na #happiness.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.