Walang Filipino na nasaktan sa 7.2 magnitude na lindol sa Mexico

By Rhommel Balasbas February 18, 2018 - 05:15 AM SHARE(S):

Inihayag ng Embahada ng Pilipinas sa Mexico na walang napaulat na Filipino na nasaktan matapos ang malakas na 7.2 magnitude na lindol na tumama sa state of Oaxaca, Mexico.

Nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuyente ng milyon-milyong tahanan at business establishments ang lindol.

Tumagal ang pagyanig ng 30 segundo hanggang isang minuto at naitala ang aftershocks.

Naitala rin ang pagkasira ng ilang mga buildings sa Mexico City at Oaxaca State

Tinitiyak naman ng embahada na patuloy nitong babantayan ang sitwasyon ng mga miyembro ng Filipino community sa nasabing bansa at sisiguruhin ang kanilang kaligtasan.

Samantala, 13 na ang naitalang patay habang 15 ang sugatan matapos bumagsak ang isang military helicopter na nagsasagawa ng search and survey operations.

Kabilang sa mga lulan ng helicopter ay sina Mexico Interior Minister Alfonso Navarrete at Oaxaca State Governor Alejandro Murat na parehong nagtamo ng seryosong injuries.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.