Sen. Poe papangalanan ang mga nasa likod ng lumalalang MRT

By Justinne Punsalang February 18, 2018 - 04:49 AM

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Committee on Public Service ay ilalabas naman ni Senadora Grace Poe ang mga pangalan ng nasa likod ng pumapalyang MRT 3.

Ito ay matapos madismaya ng senador nang malaman niyang tatlong tren lamang ng MRT ang tumakbo noong Miyerkules ng umaga.

Aniya, ang palyadong serbisyo ng MRT ay dahil sa kapabayaan at kurapsyon ng ilang mga opisyal.

Noon pang Mayo ng nakaraang taon nagsimula ang imbestigasyon ng public services panel tungkol sa P3.8 bilyong procurement ng mga bagon para sa MRT. Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito ginagamit dahil hindi naman ito akma sa kasalukuyang sistema ng MRT. Bukod pa ito sa masyadong mabigat ang mga nabiling bagon para sa riles ng tren.

Sa araw ng Martes, February 20 magpapatuloy ang pag-iimbestiga ng Senado tungkol sa tila lumalalang sitwasyon ng MRT.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.