18 patay sa suicide bombing sa Nigeria

By Rhommel Balasbas February 18, 2018 - 04:30 AM

Labingwalo ang namatay matapos ang serye ng suicide bombing sa bayan ng Konduga sa Nigeria.

Dalawang suicide bombers ang umatake sa isang fish market habang ang ikatlo ay umatake sa kalapit lamang na lugar.

Itinuturong nasa likod ng insidente ang jihadist group na Boko Haram.

Sinasabing Biyernes pa lamang ng gabi ay umatake na ang suicide bombers sa bayan ngunit nito lamang Sabado naglunsad ng mas malalang mga pag-atake.

Taong 2009 pa nang magsimula ang Boko Haram na manggulo sa Nigeria na nagdulot ng pagkasawi ng higit-kumulang 20,000 katao at paglikas ng aabot na sa higit dalawang milyon.

Nito lamang Enero ay dalawang babae ring suicide bombers ang nagpasabog sa isang billage malapit sa Konduga.

Patuloy ang isinasagawang pag-atake ng Boko Haram sa kabila ng paggigiit ng gobyerno na natalo na nila ang naturang grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.