Labi ng pinatay na OFW sa Kuwait, naiuwi na sa kanyang pamilya sa Iloilo

By Cyrille Cupino February 17, 2018 - 11:22 AM

Photo courtesy of Department of Foreign Affairs

Naiuwi na sa kanyang pamilya sa Iloilo ang labi ng OFW na pinatay ng kanyang amo sa Kuwait, at isinilid sa freezer.

Sinalubong ng mga kapamilya ang labi ni Joanna Daniela Demafelis nang lumapag ito sa Iloilo International Airport bandang 5:50 ng umaga.

Inihatid ang mga labi ng kaniyang mga kapatid at ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, kasama si Deputy Administrator Arnell Ignacio at ilang opiyal mula sa Department of Foreign Affairs.

Suot ng mga kamag-anak ang OFW ang puting t-shirt na may nakasulat na “Justice for Joanna Demafelis”, at dala-dala ang mga tarpaulin na may nakasulat na “Justice for Joanna”.

Napahagulgol ang mga kapatid at ina ni Joanna nang ibaba sa cargo area ang mga labi ng pinatay ng Pinay worker.

Matatandaang natagpuan ang labi ni Joanna sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait.

 

TAGS: Joanna Demafelis, Joanna Demafelis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.