Ruffa Gutierrez nagreklamo sa security office ng isang theme park sa Malaysia makaraang may mambastos sa dalawang anak

By Jimmy Tamayo February 16, 2018 - 01:59 PM

Na-trauma umano ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez makaraang bastusin sa isang theme park sa Malaysia.

Sa kanyang twitter account ibinulalas ni Ruffa ang hindi magandang karanasan ng kanyang mga anak na si Lorin at Venice habang namamasyal sa Sunway Lagoon Theme Park sa Subang Jaya.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Ruffa na kinailangan niyang magtungo sa security office ng park para ireklamo ang ilang mga kalalakihan na tinawag pa niyang mga “creepy men” at mga “kadiri” at “disgusting.”

Naghain din ng reklamo si Ruffa laban sa park mismo dahil pinayagang makapasok ang ganitong uri ng mga tao sa loob ng kanilang park.

Nag-post pa ang aktres ng video kung saan makikita ang grupo ng mga kalalakihan na nagpupulasan makaraang komprontahin ng staff ng park.

Bonding moment sana ng mag-iina ang nasabing biyahe sa malaysia habang walang pasok ang mga ito.

Aminado si Ruffa na sinasamantala niya ang pagkakataon lalot mga dalagita na ang kanyang mga anak at mayroon na ring sariling mga barkada.

TAGS: Lorin, Malaysia, Na-trauma, Ruffa Gutierrez, security office, Subang Jaya, Sunway Lagoon Theme Park, theme park, Twitter Account, Venice, Lorin, Malaysia, Na-trauma, Ruffa Gutierrez, security office, Subang Jaya, Sunway Lagoon Theme Park, theme park, Twitter Account, Venice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.