WATCH: Labi ng Pinay na natagpuan sa freezer sa Kuwait, dumating na sa bansa

By Erwin Aguilon February 16, 2018 - 11:11 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Dumating na sa bansa ang mga labi ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait.

Pasado alas 10:30 ng umaga nang lumapag ang Gulf Air na sinasakyan ng OFW.

Ang labi ng Pinay ay sinalubong ng kaniyang pamilya at mga kinatawan at opisyal ng DFA at OWWA.

Ayon sa mga kaanak ni Demafelis, hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng kanilang kapatid.

Umapela din sila sa pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Demafelis.

Umaasa silang mahahanap na ng mga otoridad ang Lebanese at Syrian na amo ng OFW.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Joanna Demafelis, kuwait, ofw, Joanna Demafelis, kuwait, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.