Dahil sa pagnanakaw ng 2 lata ng gatas, lalaki arestado sa QC

By Justinne Punsalang February 16, 2018 - 06:58 AM

Dalawang lata ng gatas ang kapalit ng kalayaan ng isang lalaki.

Ito ay matapos siyang maaresto dahil sa pagtatangkang magnakaw ng dalawang lata ng gatas sa isang supermarket sa Barangay Greater Fairview, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jobert Asonas, 28 taong gulang na tubo pa ng North Cotabato at kasalukuyang nakatira sa Tunsuya, Malabon City.

Kwento ng security guard ng supermarket, nagpanggap na customer si Asonas nang ito ay pumasok sa establisyimento. Inilagay ng suspek ang mga gatas sa kanyang bag at lalabas na sana nang hindi na babayaran ang mga kinuhang produkto.

Doon na pinigil ng gwardya ang suspek bago dinala sa himpilan ng mga pulis.

Mahaharap si Asonas sa kasong theft.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: arrested, crime, quezon citiy police, quezon city, arrested, crime, quezon citiy police, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.