Bodega ng tela at sinulid nasunog sa Malabon

By Jay Dones, Jong Manlapaz February 16, 2018 - 02:22 AM

 

Tinupok ng apoy ang isang bodega na nagsisilbing imbakan ng tela at sinulid sa Malabon City.

Inabot ng mahigit limang oras bago tuluyang naapula ng mga kagawad ng pamatay-sunog ang apoy na sumiklab sa loob ng Everich Knitting Manufacturing Corp., sa Las Buenas Bldg., Industrial Ave., Potrero, Malabon.

Nagsimulang ang sunog pasado alas 5:00 ng hapon na mabilis na itinaas sa Task Force Alpha dahil sa nakaimbak na mga tela at sinulid sa bodega.

Dahil sa lakas ng apoy, nadamay rin ang katabing imprenta sa naturang compound.

Pasado alas 10:30 nang ideklarang fire out ang naturang sunog.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga arson investigators ng Malabon Fire Department upang matukoy ang pinagmulan at maging ang halaga ng pinsala sa naturang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.