74 na naturukan ng Dengvaxia sa MIMAROPA, tukoy na ng DOH

By Ricky Brozas February 15, 2018 - 09:59 AM SHARE(S):

Tukoy na ng Department of Health (DOH) sa MIMAROPA Region ang mga mag-aaral na naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Regional Director Dr. Eduardo Janairo, kinilala ng Dengvaxia Task Force ang 74 na mag-aaral sa rehiyon na nabakunahan ng Dengvaxia na gawa ng French pharmaceutical na Sanofi Pasteur.

Ayon kay Janairo, ang mga nabakunahan ay pawang mula sa lalawigan ng Mindoro Occidental at Oriental at Marinduque kung saan dalawa dito ay nabigyan pa ng full medical assistance.

Sabi ni Janairo na ang mga nabakunahan ng Dengvaxia ay edad 9 hanggang 41 anyos at karamihan sa 74 ay nabakunahan sa mga pribadong klinika.

Nabatid na dalawa sa tinukoy na recipient ay naka-confine sa Quirino Memorial Medical Center matapos na makaranas ng sakit sa tiyan at ulo, lagnat, ubo at mga pantal o rashes ngunit matapos na makarekober ay pinalabas na sa pagamutan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengvaxia, doh, anti dengue vaccine, Dengvaxia, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.