BREAKING: 20 iniulat na sugatan sa school shooting sa Florida

By Jay Dones February 15, 2018 - 04:38 AM SHARE(S):

Pinangangambahang hindi bababa sa 20 estudyante at ilan pang staff ng isang paaralan ang nasugatan sa isa na namang school shooting sa Amerika.

Ayon sa inisyal na ulat, nakarinig na lamang ng sunud-sunod na putok sa loob ng Marjory Stoneman Douglas High School sa Parkland, Florida, USA.

Sa ilang mga tv at aerial footage, makikita ang ilan mga estudyante na humahangos palabas ng paaralan.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Florida Police, Alcohol, Tobacco and Firearms (ATF) at Federal Bureau of Investigation sa ‘active shooter incident’.

Ayon sa Broward Sheriff’s Office, nananatili pa sa loob ng paaralan ang sinasabing gunman.

Agad na isinailalim sa lockdown ang eskwelahan habang nagpapatuloy ang paghahanap sa sinasabing gunman.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.