KZ umaasang magbubukas ang maraming oportunidad sa pagpasok niya sa ‘Singer 2018’

By Jay Dones February 15, 2018 - 12:59 AM

 

Kung tuluyang makukuha ni KZ Tandingan na maungusan ang lahat ng kanyang mga katunggali sa reality singing contest na Singer 2018 sa China, malaki ang magagawa nito para sa kanyang karera.

Sa pagharap ni KZ sa mga mamamahayag matapos itong makalusot sa unang linggo ng kanyang paglabas sa programa, sinabi ng mang-aaawit na malaking oportunidad na marinig ng Chinese market ang tinig ng mga Pinoy.

Aniya, napakalawak ng Chinese market at hindi ito madaling pasukin ng mga foreign artists.

Ito aniya ang posibleng dahilan kung kaya’t maging ang British pop singer na kanyang idolo na si Jessie J ay lumahok rin sa naturang singing contest.

Umaasa si KZ na magagawa niyang maka-survive hanggang sa susunod na pitong episodes pa ng Singer 2018 at hanggang sa finals sa buwan ng Abril.

Noong nakaraang Linggo, itinanghal na weekly winner si KZ matapos nitong kantahin ang kanyang bersyon ng sikat na awitin ni Adele na ‘Rolling in the Deep’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.