2 taong gulang na bata, pinatay sa niyogan sa Tagum City

By Justinne Punsalang February 15, 2018 - 01:04 AM SHARE(S):

 

Natagpuan ang walang buhay na katawan ng isang dalawang taong gulang na batang babae sa isang niyogan sa Barangay San Miguel, Tagum City.

Kwento ng pastol ng kalabaw na si Atilano Salbino, nakita niyang nakasubsob ang mukha ng bata sa damuhan.

Aniya pa, wala itong suot na damit pang-ibaba at ilang metro lamang ang layo mula sa katawan ng biktima ay doon naman nakita ang shorts nito.

Batay sa imbestigasyon ng Tagum City Police, madaling araw pa ng Linggo nang mawala ang biktima.

Sa ngayon ay mayroon nang hawak na person of interest ang mga otoridad na maaaring magturo kung sino ba ang nasa likod ng krimen.

Samantala, ayon naman kay Police Senior Inspector Anjanette Tirador ng Davao del Norte Provincial Police Office, pumayag ang mga magulang ng biktima na isailalim ang bangkay sa autopsy.

Sigaw naman ng pamilya na sinasabing malayong kamag-anak ng pangulo, hustisya para sa kanilang pinaslang na anak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.