2 patay sa tumaob na van sa Sarangani

By Justinne Punsalang February 15, 2018 - 02:30 AM SHARE(S):

 

Dalawa katao ang patay habang nagpapagaling naman sa ospital ang tatlong iba pa matapos tumaob ang kanilang sinasakyang pampasaherong van sa Maasim, Sarangani.

Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Nancy Badara at Basher Damda.

Kwento ng mga testigo, mabilis ang pagpapatakbo ng sugatang driver na si Rodolfo Ubaldo.

Kaya naman nang pumutok ang isang gulong ng van ay nawalan ito ng kontrol sa madulas na kalsada, dahilan upang ilang beses itong bumalibag.

Dahil sa aksidente ay mahaharap si Ubaldo sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries.

Samantala, ayon pa sa mga residente, accident prone ang naturang highway sa Barangay Tinoto, partikular na nang mapatungan ng aspalto ang kalsada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.