Shabu na ipapasok sana sa Navotas jail, naharang sa 2 drug courier

By Justinne Punsalang February 15, 2018 - 12:16 AM SHARE(S):

Timbog sa entrapment operation ang dalawang tulak ng droga sa Navotas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Barotil at Gina Legaspi.

Ayon kay Northern Police District-Drug Enforcement Unit chief Police Senior Inspector Ceciliano Tomas, Jr., nag-ugat ang buy bust operation mula sa nakuhang impormasyon sa kanilang nahuling drug suspek kamakailan.

Kapwa hindi naman tumanggi ang mga suspek sa ginawang krimen.

Depensa nila, dala ng kahirapan kaya sila pumayag makipagtransaksyon ng droga.

Ani Barotil, nakilala niya ang isang alyas Dennis sa pamamagitan ng kanyang kumpareng nakakulong din sa Navotas City Jail.

At inutusan siya nito para kuhanin ang droga mula naman sa isang Jovit sa Divisoria.

Ang utos ni Dennis, ibigay ni Barotil ang 25 gramo ng shabu kay Legaspi na siyang magpapasok nito sa Navotas City Jail, at ibebenta naman ang isa pang 25 gramo ng droga sa isang buyer.

Hindi nila alam na pulis pala ito.

Ayon naman kay Legaspi na kinakasama ng mayor sa Navotas City Jail, sa pagkakaalam niya ay mayroong contact na jail guard si Dennis na posibleng dahilan kung paano madaling nakakapasok sa piitan ang mga iligal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.