Kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, itinalaga sa pwesto sa gobyerno ni Duterte

February 14, 2018 - 01:10 PM SHARE(S):

(BREAKING) Itinalaga sa pwesto sa pamahalaan ni Pangulong Duterte ang kasalukuyang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Eduardo V. Manalo.

Sa appointment letter na nilagdaan ni Duterte, itinalaga nito si Manalo bilang Special Envoy of the President for Overseas Filipinos Concerns.

Tatagal ang termino ni Manalo sa nasabing pwesto hanggang January 29, 2019.

Ang appointment letter ay may petsang February 13, 2018.

Wala pang opisyal na pahayag ang INC Central Office tungkol sa appointment.

 

 

 

TAGS: INC, INC Executive Minister Eduardo C. Manalo, rodrigo duterte, Special Envoy of the President for Overseas Filipinos Concerns, INC, INC Executive Minister Eduardo C. Manalo, rodrigo duterte, Special Envoy of the President for Overseas Filipinos Concerns

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.