Mga namimili ng bulaklak dumagsa sa Dangwa

By Mark Makalalad February 14, 2018 - 08:29 AM SHARE(S):
Kuha ni Mark Makalalad

Maaga pa lamang ay buhay na buhay na ang Dangwa Market sa Sampaloc, Maynila.

Ngayong Valentine’s Day, dumagsa ang mga mamimili na abala sa pagpili ng mga bulaklak para panregalo sa kanilang mga kasintahan at mahal sa buhay.

Pero kumpara sa mga nakaraang araw, mas nagtaas pa ang presyo ng mga bulaklak.

Ang Ecuador rose na isa sa pinakamabenta, dating nasa 150 kada piraso pero ngayon ay mabibili na sa P200 hanggang P250.

Ang isang dosenang rosas naman na dating P1,500 ay pumalo na ngayon sa P1,800.

Ang isang boquet ng mga bulaklak na pinaghalong mums, star gazer, gerbera at astro na dating P500 ay nasa P700 na ang presyo.

Ang Stargazer mula sa dating P100 kada stem ay nagkakahalga na ngayon ng P150.

Gayundin ang Carnation na dating P100 kada stem ay pumalo na sa P200.

Samantala, mabenta rin ngayon ang mga stuffed toys boquet na nasa P1,200.

Chocolate Bouquet na nasa P1,200 at combination ng chocolate at stuffed toys na nasa P1,200 din ang presyo.

Sa mga budgeted naman pero gusto pa rin magbigay ng something special sa kanilang mahal, may artificial roses na nasa P100 kada piraso at mga stuffed toys na P85 hanggang P200.

 

 

 

TAGS: Dangwa Manila, flowers, valentine's day, Dangwa Manila, flowers, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.